Patuloy pa ring pinaiigting ng Quezon City government ang surveillance nito kasunod ng naitalang mpox case sa bansa kung ang isa sa mga tinamaan ay nagtungo pa sa ilang establisimyento sa lungsod.
Sa ngayon, ongoing pa rin ang monitoring at contact tracing ang Quezon City Health Department sa mga close contact ng mpox case.
Patuloy namang pinaalalahanan ang publiko na sundin ang minimum health standards, regular na paghuhugas ng kamay, at paglilimita sa direct physical contact.
Agad ring magpakonsulta kung may nararamdamang anumang sintomas ng mpox gaya ng rashes (pantal, sugat, o paltos) sa balat at sa maselang bahagi ng katawan, lagnat, pananakit ng lalamunan, pananakit ng ulo, kalamnan, likod, at namamagang kulani. | ulat ni Merry Ann Bastasa