MRT management, nakipagpulong sa law enforcement agencies para sa dagdag na seguridad sa mga istasyon ng tren

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipagpulong si Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino sa mga opisyal ng National Capital Region Police Office (NCRPO), Office for Transportation Security (OTS), at Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT), kaugnay ng pagde-deploy ng mas maraming uniformed personnel sa rail sector sa Metro Manila.

Kasunod ito ng napaulat na higit 80 krimen ang naitala sa mga tren gaya ng MRT at LRT mula 2023 hanggang 2024.

Sa naturang pulong, napagkasunduan ang pagpapaigting ng Police visibility sa Metro Manila lines, bilang augmentation sa umiiral na seguridad sa LRT at MRT systems.

Partikular na magtatalaga ang NCRPO ng karagdagang personnel sa MRT-3, LRT-1, at LRT-2 para mapigilan ang mga krimen sa loob at labas ng mga tren at istasyon.

Una nang tiniyak ng NCRPO na nakatutok ito sa mga krimeng kadalasang umiiral sa mga istasyon ng tren sa Metro Manila gaya ng bomb threat gayundin ang mga insidente ng sexual harrassment at pandurukot. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us