Dadalasan at palalawakin pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga ikakasa nitong pagsasanay katuwang ang iba’t ibang bansa.
Ito ang inihayag ng AFP kasunod ng matagumpay na Multilateral Maritime Cooperation Activity (MMCA) sa pagitan ng Pilipinas, Amerika, Australia at Canada kamakailan.
Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas sa Kampo Aguinaldo, sinabi ni AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla na nagawa pa ring makipagsabayan ng Pilipinas sa mga kaalyadong bansa sa kabila ng pagkakaiba sa mga kagamitan.
Dito aniya maipamamalas ang interoperability sa pagitan ng mga magkakaalyadong bansa sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mga kaalaman at kasanayan. | ulat ni Jaymark Dagala