Nagpaalala si House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong sa mga opisyal ng pamahalaan na huwag naman sanang idamay ang relihiyon sa pamomolitika.
Kasunod ito ng pahayag ng bise presidente sa muslim community.
Paghimok pa ng mambabatas, na miyembro ng Young Guns, mas maigi na makipagtulungan na lamang sa pagtugon sa mga hamong kinakaharap ng bansa.
Kinilala naman ng mambabatas ang walang kapagurang paghahanap ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng solusyon sa mga suliranin, kaya hindi aniya patas na sabihing walang ginagawa ang pamahalaan.
“Challenges confronting our nations are real and President Bongbong Marcos acknowledges that, that is why walang ginawa ang Presidente kundi magtrabaho nang maibsan ang mga suliranin na ito. It’s unfair on the part of the President to be described that way,” diin ni Adiong.
“The President is tirelessly working to address the challenges our nation faces, from improving infrastructure to enhancing our healthcare system.Nakita naman natin na pagkatapos na pagkatapos ng kalamidad, ang Presidente mismo ang nagmamando sa ground zero. He leads from the front,” giit pa niya.| ulat ni Kathleen Forbes