Pinoproseso na ng Department of Social Welfare and Development ang retropayment nang naantalang Education Grant para sa mahigit na 700,000 household beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sa abiso ng DSWD, ang retropayment ay inaasahang matatanggap ng mga benepisyaryo bago matapos ang buwan ng Agosto 2024.
Sasaklawin ng retropayment ang pay-period 6-b (p6-b) hanggang p6-a o simula buwan ng Enero 2023 hanggang Disyembre 2023.
Naglabas na ng karagdagang Php5 Billion na pondo ang Department of Budget and Management (DBM)para sa programa.
Naibalik ang programa matapos ang isinagawang re-assessment gamit ang Social Welfare and Development Indicators (SWDI).
Samantala, ang naantalang health grant at rice subsidy naman ay nauna nang naipamigay simula pa noong Marso hanggang Mayo ngayong taon.
Para naman sa mga household na hindi pa nakatatangap ng nasabing grants , kailangan lamang nilang makipag-ugnayan sa grievance hotline ng DSWD na: 0918-912-2813. | ulat ni Rey Ferrer