Kinumpirma ni Nacionalista Party (NP) stalwart at Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers na mayroon na silang listahan ng mga pambatong kandidato sa pagka senador sa mid-term elections.
Kasunod ito ng naganap na primahan ng alyansa sa pagitan ng NP at ng Partido Federal ng Pilipinas na siyang partido ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa panayam kay Barbers sinabi nito na bahagi ng kanilang konsiderasyon ay ang pagiging winnable ng kandidato, may kaparehong vision o hangarin at mayroong prinsipiyo sa paglilingkod.
Sa ngayon ang pinangalanan pa lang ni Barbers ay si Deputy Speaker Camille Villar bilang pambato ng partido.
Dahil naman sa alyansa kanilang ia-adopt ang mga kandidato ng PFP sa nalalapit na eleksyon.
“This is more than 12 that we’ve listed. So tinitignan natin syempre ang gusto natin yung mga winnable yung parehas ang vission sa partio at syempre yung merong prinsipyo dito sa kanilang kandidatura na nakasuporta sa kanilang mga plataporma…si Camille Villar is our no. 1 candidate sa partido.” Sabi ni Barbers. | ulat ni Kathleen Forbes