Nagamit na pondo para sa Marawi Rehabilitation ngayong taon, nasa 6% pa lang – DBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa anim na porsiyento pa lang ang nagagamit na pondo ng Marawi Compensation Board sa inilaang pondo sa kanila ngayong 2024.

Ito ang binigyang linaw ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman nang mausisa ni Lanao del Norte Representative Khalid Dimaporo, kung magkano ang inilaang pondo ng pamahalaan sa rehabilitasyon ng Marawi sa ilalim ng panukalang 2025 budget.

Ayon kay Sec. Pangandaman, tulad sa 2024 budget mayroong P2 billion na programmed funds at hiwalay pang P2 billion na unprogrammed fund ang Marawi Rehabilitation Fund, na nakapaloob sa 2025 National Expenditure program (NEP).

Pero hirit ni Dimaporo, mas mababa ito kaysa sa hinihingi ng Marawi Compensation Board na P60 billion.

Ayaw lang aniya niya na isipin ng iba na hindi prayoridad ng Marcos Jr. administration ang rehabilitasyon ng Marawi.

Tugon naman ng DBM secretary, batid nila ang kinakailangang pondo ng Marawi compensation board ngunit batay sa datos sa halos P5 billion na pondo ng Marawi rehab mula 2023 hanggang sa kasalukuyan, P400 million lang ang nai-release sa kanila.

Habang sa kabuuang 2024 budget nasa 6% lang ang kanilang nagamit.

Tinatapos pa rin kasi aniya ng compensation board ang guidelines sa compensation package.

Nagpaalala naman si Dimaporo sa ang mga tagapagpatupad nito sa ground, na kailangan magdoble kayod para masiguro na naipapatupad ng tama ang mga programa ng pamahalaan. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us