Ayon sa lider ng Mababang Kapulungan, ipinapakita nito na matagumpay ang ipinatupad na mga polisiyang pang ekonomiya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kinilala din ng House Speaker ang malaking tulong ng magandang ugnayan sa pagitan ng ehekutibo at lehislatura
“The 6.3 percent economic growth rate shows the effectiveness of President Bongbong Marcos’ economic strategies and the solid legislative support of Congress. Our economy is steadily recovering and growing, creating more job opportunities and improved quality of life for Filipinos,” sabi ni Romualdez.
Binigyang diin din ng House chief ang nakamit na pagtaas sa sektor ng industriya na mahalaga sa paglikha ng trabaho.
“Ang pag-angat ng sektor ng industriya at serbisyo ay napakahalaga dahil nagbibigay ito ng maraming trabaho na importante sa ating pang-araw-araw na buhay. Ang patuloy na paglago ng mga sektor na ito ay patunay ng tiwala ng mga Pilipino sa ating ekonomiya at sa kinabukasan ng bansa,” saad niya.
Malaking bagay rin aniya ang naitalang pagtaas sa household consumption, sa 4.6 percent, na nagpapakitang tumaas ang consumer confidence at spending.
“Our government’s focus on infrastructure projects and public services is paying off. The substantial growth in government spending underscores our dedication to building a better future for all Filipinos,” dagdag niya.
Aminado naman si Romualdez, na hamon pa rin ang sektor ng agrikultura na bumaba sa 2.3 percent dahil sa epekto ng El Niño, kaya mahalaga aniya ang suporta ng pamahalaan sa mga magsasaka at mangingisda.
“Hindi namin ipagwawalang-bahala ang mga hamon sa sektor ng agrikultura. Ang administrasyong ito ay nakatuon sa pagbibigay ng sapat na suporta sa ating mga magsasaka at mangingisda upang matulungan silang makabangon at umunlad,” wika niya.
Nangako ang lider ng Kamara, na patuloy na makikipag-ugnayan sa ehekutibo upang epektibong maipatupad ang mga polisiya at mapanatili ang magandang takbo ng ating ekonomiya.
“We stand united with the executive branch, determined to implement policies that perpetuate this growth momentum. Ang aming pokus ay nasa pagpapalakas ng lokal na industriya, pagpapalakas ng mga maliliit at katamtamang negosyo, at pagtiyak na ang benepisyo ng paglago ng ekonomiya ay maramdaman ng lahat ng Pilipino. These stellar economic indicators for the second quarter of 2024 are a testament to the indomitable spirit and diligence of the Filipino people, alongside the strategic economic policies of President Bongbong Marcos and the legislative support of Congress,” sabi niya | ulat ni Kathleen Forbes