Nasa 1,000 mga Pilipino, nagpahayag ng kagustuhan na makauwi sa Pilipinas dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa Lebanon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na nasa 1,000 mga Pilipino ang nagpahayag ng kagustuhan na nais nilang umuwi sa Pilipinas dahil sa lumalalang tensyon sa Lebanon.

Sa isang panayam kay Secretary Cacdac, sinabi ng kalihim na mayroong two-step process ang repatriation.

Ayon sa kalihim, nasa 1,000 ang nagpatala at sa bilang na ito ay 45 na mga Pilipino naman ang kumpirmadong makakauwi na sa bansa ngayong linggo.

Sinabi rin ni Cacdac, na nagpapatuloy ang paglilikas sa mga Pilipino na nasa Southern part ng Lebanon at nakahanda rin ang mga shelter para sa mga ito.

Tiniyak naman ng Department of Migrant Workers na mayroon silang sapat na pondo para suportahan ang mga overseas Filipino workers na magbabalik sa bansa. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us