National Maritime Council, kumikilos na hinggil sa panibagong panggigipit ng China sa West Philippine Sea — DND

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bahala na ang National Maritime Council (NMC) sa mga hakbang na gagawin ng pamahalaan tungkol sa pinakabagong insidente ng panggigipit ng China sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ito ang tinuran ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. matapos ang pinakahuling harassment na ginawa ng China Coast Guard (CCG) sa mga barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) malapit sa Sabina Shoal noong Linggo, August 25.

Binigyang-diin ng kalihim na hindi tumitigil ang pamahalaan sa paghahanap ng mga diplomatikong hakbang kahit pa sabihing sanay na ang Pilipinas sa mga mapangahas na aksyon ng China.

Una rito, sinisi pa ng China ang BFAR dahil sa pang-uudyok umano nitong manghimasok sa inaangkin nilang teritoryo na nagresulta ito sa dangerous maneuver at pagbomba ng water cannon sa barko ng Pilipinas.

Pero buwelta ni Teodoro, paulit-ulit lamang ang mga retorika ng China at wala namang bago sa mga ginagawa nito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us