Nagsasagawa na rin ng masusing imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ng oil spill mula sa lumubog na MT Terranova sa Limay, Bataan.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, kasama rin sa kanilang tinitignan ay ang anggulong oil smuggling o “pa-ihi system.”
Aniya, tinututukan na ito ng kanilang counter-intelligence maging ang NBI District Office sa Bataan para kumalap ng mga ebidensya.
Ayon pa kay Dir. Santiago, maging ang paglubog ng MG Jason Bradley at pagsadsad ng MV Mirola-1 na kapwa nangyari sa Bataan ay iniimbestigahan na rin ng NBI.
Una nang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na isang class action suit ang inihahanda na kaugnay ng malaking perwisyong dulot ng Bataan oil spill. | ulat ni Merry Ann Bastasa