NEDA, naglatag ng mga hakbang para mapanatiling malago ang ekonomiya ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilatag ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang mga hakbang upang mapanatiling malago ang ekonomiya ng bansa.

Ito ang inihayag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan sa pagsisimula ng paghimay ng Senado para sa panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.

Kabilang sa mga inilatag ni Balisacan ay ang pagpasa ng mga panukalang batas gaya ng reporma sa Capital Markets, pagsasabatas ng Archipelagic Sea Lanes, pag-amiyenda sa Right of Way, at pagpapataw ng Excise Tax sa single use plastics.

Gayundin ang rationalization sa fiscal regime sa pagmimina, pag-amiyenda sa EPIRA, pagtatatag ng Department of Water Resources, pagpapatibay sa CREATE MORE Act, pag-amiyenda sa Long Term Lease sa mga foreign investor, at pag-amiyenda sa Rice Tariffication Law.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Balisacan kailangang mapanatili ang magandang lagay ng ekonomiya at umaasa silang maisasaprayoridad ang mga nasabing panukala na siyang tinukoy sa Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us