Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Negros Occidental Rep. Jose Francisco Benitez bilang bagong Director General ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Ayon kay pco Secretary Cheloy Velicaria -Garafil, papalita ni Benitez ang babakantehing pwesto ni TESDA Chief Suharto Mangudadatu.
Ayon sa kalihim, si Benitez ang Chairperson ng Committee on Housing and Urban Development sa Kongreso, kaya’t mayroon itong sapat na karanasan sa aspeto ng edukasyon, development, at public service.
“His advocacy for digital transformation, education reform, and technological innovation will be crucial in steering TESDA’s programs to meet the demands of the evolving job market and the Fourth Industrial Revolution.” —Sec Garafil.
Tiwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kakayahan ng opisyal na pangunahan ang TESDA, upang maabot ang layuning mapahusay pa ang teknikal na kasanayan ng mga manggagawang Pilipino, itaguyod ang mga oportunidad sa paga-aral, at palaguin ang ekonomiya sa pamamagitan ng edukasyon at pag unlad ng kasanayan.
Agad na gagampanan ni Benitez ang kanyang bagong papel at babalangkas ng strategic priorities para sa TESDA sa mga susunod na linggo.
“Benitez is expected to assume his new role immediately and will outline his strategic priorities for TESDA in the coming weeks.” —Sec Garafil.
Kaugnay nito, kinilala naman ng Office of the President ang naging kontribusyon ni Mangudadatu sa TESDA sa panahon ng kanyang panunungkulan.
“The Office of the President extends its gratitude to outgoing Director General Suharto Mangudadatu for his dedicated service and contributions to TESDA during his tenure.” —Sec Garafil. | ulat ni Racquel Bayanaa