Suportado ng international television streaming na Netflix ang hangarin ng gobyerno na makakolekta ng karagdagang kita para mapondohan ang mga programa at proyekto ng administrasyon Marcos. Jr.
Sa pulong nila Finance Secretary Ralph Recto at senior Netfix officials, tinalakay ng kalihim ang panukalang value added tax for foreign digital providers na ngayon ay pending pa sa Kongreso.
Ayon kay Recto, sinuportahan ng Netflix ang naturang panukalang batas na makatutulong na makapag generate ng kita na pakikinabangan ng mga Pilipino.
Nilinaw din ng DoF Chief sa ilang mga probisyon ng batas at tiniyak ang commitment ng gobyerno na suportahan ang paglago ng industriya.
Sa panig naman ng Netflix, sinabi ni Netflix Public Policy Manager for Southeast Asia Shangari Kiruppalini na handa silang makipagtulungan sa gobierno sa pagkamit ng “mutually beneficial outcomes”. | ulat ni Melany Reyes