Sinisikap pa ng National Housing Authority (NHA) na mapahusay at mapabilis ang mga programang pabahay para sa kapakanan ng pamilyang Pilipino sa bansa.
Sa ginanap na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair Agency Summit sa Philippine International Convention Center (PICC), kasama ni NHA General Manager Joeben Tai, na dumalo ang 17 regional managers ng NHA sa bansa.
Naniniwala si GM Tai na magsisilbing plataporma ang summit para magbahagi ng makabagong estratehiya at pinakamahuhusay na pamamaraan sa ahensya.
Bilang housing production arm ng gobyerno, natutuhan ng NHA ang mga bagong diskarte at teknolohiya para mabigyan ng disente at abot-kayang pabahay ang mga benepisyaryo.
Umaasa pa ang NHA na makapagtatag ng mga ugnayan at makiisa sa mga talakayan gamit ang mga natutuhan sa summit.| ulat ni Rey Ferrer