NMIS, hinikayat ang mga consumer na tiyaking lehitimo ang tindahan ng mga binibiling karneng baboy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinayuhan ng National Meat Inspection Service ang publiko na maging mapanuri sa pagbili ng mga karneng baboy.

Ayon sa NMIS, isa sa mga paraan para makatiyak na ligtas ang karne ay kung may nakapaskil na Meat Inspection Certificate o Certificate of Meat Inspection sa tindahan.

Ito aniya ang patunay na dumaan sa masusing inspekyon ang karne sa loob ng meat establishment bago ito ibenta sa pamilihan.

Ibig sabihin, makasisiguro ang mamimili na ligtas at malinis ang karneng bibilhin kapag ito ay may tatak ng NMIS (National Meat Inspection Service).

Kaugnay nito, tuloy-tuloy naman ang pinaigting na surveillance audit ng NMIS sa mga meat establishment sa gitna pa rin ng banta ng ASF.

Kabilang sa mahigpit na binabantayan ang mga slaughterhouse, cold storage facilities, meat cutting, at meat distribution centers para sa food safety. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us