NTF-WPS, nanawagan sa China na tigilan ang mapanghamon at mapanganib na aksyon laban sa mga Pilipino

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing kinondena ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) ang iresponsable, hindi propesyonal, ilegal, at mapanganib na pagkilos ng People’s Liberation Army Air Force (PLAAF) laban sa isang Philippine Air Force (PAF) patrol aircraft, noong Agosto 8 sa bisinidad ng Bajo de Masinloc.

Sa isang statement na inilabas ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya, nanindigan ang NTF-WPS na walang banta ang PAF NC-212i aircraft sa dalawang PLAAF jets, nang magpakawala ang huli ng mga flare sa “flight path” ng PAF aircraft.

Ayon sa NTF-WPS, sa kabila ng ipinamalas na mapanganib na intensyon ng PLAAF Fighters, ang piloto at crew ng PAF aircraft ay rumesponde ng may “focus, restraint, at professionalism”.

Nanawagan ang NTF-WPS sa China, na tigilan na ang lahat ng mapanghamon at peligrosong pagkilos laban sa kaligtasan ng mga Pilipinong sibilyan at militar,  na sanhi ng destabilisasyon sa rehiyon at nakakasira sa pagtitiwala ng pandaigdigang komunidad sa kanila.

Nanindigan ang NTF-WPS na magpapatuloy ang air at maritime security missions ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa teritoryo at Exclusive Economic Zone (EEZ) ng abansa, at lalu pang palakasin ang pag-monitor sa airspace ng Pilipinas. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us