Number coding, suspendido ngayong araw sa QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-abiso ang Quezon City LGU sa mga motorista na suspendido ngayong araw, August 19, ang pagpapatupad ng Expanded Number Coding Scheme sa lungsod.

Ito ay bunsod ng pagdiriwang ng anibersaryo ng kapanganakan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon sa lungsod.

Ibig sabihin, ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 1 at 2 ay maaaring makabyahe sa QC ngayong araw.

Wala ring pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa buong Quezon City ngayong araw.

Kaugnay nito, mananatili naman ang operasyon ng Q City Bus para magbigay ng libreng sakay sa mga commuter sa lungsod.

Bumabyahe ang Q City Bus sa walong pangunahing ruta na may interval na 30 minuto para sa Route 1, 2, 4, 5, at 8 at isang oras namang interval sa Route 3, 6, at 7.

As of 6am, may bahagyang pagsikip lang sa trapiko sa bungad ng Quezon Avenue patungong EDSA pero maluwag kung patungong Elliptical, at sa East Avenue. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us