Official X account ng DOF na-hack, nagbabala sa publiko na iwasan i-click ang anumang links sa post nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Na-hack ang official X account o dating Twitter ng Department of Finance (DOF).

Sa official statement ng DOF, sinabi nito na na-compromise ang kanilang X account na @DOF_PH at kasalukuyang hindi na ma-access.

Nagbabala din ito sa publiko na iwasan na i-click ang links sa naunang nai-post nito.

Sa ngayon ay mayroon nang bagong X account ang kagawaran ang @dofgovph.

Nanawagan din ang DOF, na i-disregard ang ano mang post ng kanilang dating X account habang dini-delete ang kanilang account.

Tiniyak din ng kagawaran ang kanilang isinasagawang security sa kanilang mga digital platform.

Anila, magpapatupad sila ng additional measures upang maiwasan nang maulit ang insidente.

Humingi rin ng paumanhin ang DOF sa publiko sa anumang kalituhan na naidulot ng hacking. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us