Asahan na ang tapyas singil sa produktong petrolyo ngayong linggo.
Ayon sa kumpanyang UniOil, magkakaroon ng ₱1.90 hanggang ₱2.00 per liter na bawas sa presyo ng diesel.
Habang sa gasolina ay tinatayang bababa sa ₱1.00 hanggang ₱1.20 kada litro.
Ayon sa ilang insiders nasa mahigit piso din ang inaasahang ibababa ng presyo ng kerosene sa kada litro nito.
Inaasahang anumang oras mula ngayon ay sunod-sunod na mag-aanunsyo ang iba’t ibang kumpanya ng langis ng opisyal na halaga ng rollback at ito ay magiging epektibo bukas.
Ayon sa Department of Energy (DOE) ang naturang rollback ay bunsod ng mahinang demand sa langis at gumagandang usapan ng peacetalks sa ilang alitan sa Middle East. | ulat Lorenz Tanjoco