Pinagkalooban ang Olympic Gold Medalist na si Carlos Yulo ng limang milyong piso matapos ang matagumpay nitong performance sa Paris Olympics 2024.
Ayon kay Eusebio H. Tanco, Tagapangulo ng DigiPlus, ito’y bilang paghanga at pagkilala sa makasaysayang pagwawagi ni Yulo sa dalawang gintong medalya para sa Pilipinas, para sa Men’s Vault at Men’s Floor artistic gymnastics Olympics.
Dagdag pa ni Tanco, sumasalamin ang gantimpala sa suporta nila, sa patuloy na tagumpay ni Yulo at commitment na itataguyod ang talento ng Pilipino sa international stage.
Kasabay ng pagbati kay Yulo, binigyang diin ng tagapangulo ng kumpanya na ang dedikasyon at pagsisikap nito ay nagdala ng di matatawarang karangalan para sa atletang Pilipino sa bansa.
Ipinahayag din nnito na handa silang sumuporta sa lahat ng atletang tulad ni Carlos na ipinamalas ang determinasyon at katatagan na maaaring mag-angat sa mga Pilipino at makamit ang husay sa anumang larangan.
Masayang tinaggap ni double gold medalist Carlos Yulo ang reward na Php 5 Million at plaque of appreciation, bilang simbolo ng pasasalamat sa karangalang hatid niya sa bansa.
Nagpaalala naman si Yulo sa lahat ng kabataan at sa mga nangangarap na kapag may sipag at tiyaga ay walang imposible.
Kasunod nito, muling lumagda sa renewal of contract ang double gold medalist bilang Brand Ambassador ng Digiplus at Arena Plus.| ulat ni Mike Rogas