Inatasan ng Korte Suprema ang Ombudsman at Department of the Interior and Local Government (DILG) na sumagot sa loob ng 10 araw sa petisyon ni suspended Cebu City Mayor Michael Rama.
Ito ay may kinalaman sa ipinataw na Preventive Suspension ng Ombudsman at DILG kay Rama.
Nag-ugat ang suspension matapos ilipat ng alkalde ang ilang empleyado ng City Hall kahit umiiral na ang Election Ban.
Sa kanyang petisyon, hiningi ni Rama sa Supreme Court na ideklarang unconstitutional o iligal ang ginawang suspension ng Ombudsman at DILG sa kanya.
Hindi daw siya nabigyan ng tamang proseso nang ibaba ng Ombudsman ang Preventive Suspension.
Wala namang inilabas na Temporary Restraining Order (TRO) ang Kataas-taasang Hukuman taliwas sa hiling ng sinuspinde na alkalde. | ulat ni Mike Rogas