Operasyon ng LRT-1, balik-normal na matapos limitahan dahil sa aberya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinalik na ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang full operations ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 mula Fernando Poe Jr. Station sa Quezon City patungong Baclaran sa Parañaque City.

Ito’y matapos magpatupad ang LRMC ng limitadong operasyon mula Baclaran hanggang Monumento dahil sa nangyaring aberya mag-a-alas-5 ng umaga kanina.

Ayon sa pamunuan ng LRMC, nagkaroon ng “technical fault” sa bahagi ng Balintawak Station ng LRT-1 kaya’t agad naman itong tinugunan ng kanilang mga tauhan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us