Bago magtanghali ngayong araw, balik na sa normal ang operasyon ng MMDA Pasig River Ferry Service sa kahabaan ng Pasig River.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sinuspinde ang biyahe ng ferry service matapos sumadsad ang isang privately-owned barge sa Ilog Pasig sa bahagi ng Napindan.
Nangyari ito dahil sa low tide kaninang umaga.
Bukod sa mababa ang parte ng ilog na nadaanan ng barge, marami ring water hyacinth kaya nahirapan itong makausad.
Ayon sa MMDA, kinakailangan pang hintayin ang high tide para tuluyang mahila ang sumadsad na barge.| ulat ni Rey Ferrer