Pinawi ni Finance Secretary Ralph Recto ang pangamba ng publiko sa total outstanding na utang ng Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Recto sa kanyang pagharap sa 2025 budget deliberation sa House of Representatives.
Base sa datos ng Bureau of Treasury (BTr), ang kabuoang utang ng Pilipinas as of May 2024 ay nasa P15.347 Trillion, mas mataas sa P15.017 trillion na halaga sa parehas na buwan noong 2023.
Ayon kay Recto, malaki na ang ekonomiya ng bansa at may kakayahan ito na makabayad sa debt obligations.
Paliwanang ng kalihim, sa unang tingin ay tila mapakalaki ng utang pero wala aniyang dapat ipag-alala dahil nakabase ang ating repayment capacity sa laki ng ekonomiya.
Sa katunayan aniya, lumiliit na ang debt-to-GDP ratio mula sa post-pandemic peak na nasa 60.9 percent noong 2022 at 60.1 percent noong 2023.
Target aniya ng DoF na ibaba pa sa 60 percent ang debt-to – GDP over the medium term.
Diin pa ng kalihim, patuloy na ipinatutupad ng BTr ang “prudent debt management” upang pangasiwaan at manatiling manageable at sustainable ang Philippine borrowings.| ulat ni Melany V. Reyes