Nakikiisa ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa panawagan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa ating mga kababayan na nasa Lebanon na lumikas na habang may pagkakataon pang umuwi.
Ito ay sa gitna ng tumitinding sitwasyon doon sa pagitan ng Hezbollah at Israeli Forces. Kaya naman patuloy ang paalala ng Embahada ng Pilipinas sa Lebanon sa mga Pinoy doon na umalis na habang bukas pa ang paliparan.
Kung hindi agad makalikas, ipinapayo ng Embahada na pumunta sa mga ligtas na lugar na malayo sa mga apektadong lugar ng Beirut, South Lebanon, at Bekaa Valley.
Para naman sa mga nangangailangan ng agawang tulong sa pag-uwi, may form na available na makikita sa Facebook page ng Philippine Embassy sa Lebanon, OWWA, at DFA. Gayundin ang mga numerong maaaring tawagan ng mga OFW’s at para sa kanilang mga dependents.
Sa kasalukuyan, nakataas pa rin ang Alert Level 3 ang Beirut, ibig-sabihin may repatriation na isinasagawa ang bansa pero voluntary pa lamang ito. | ulat ni EJ Lazaro