Nasa P3.6 milyong halaga ng mga pasilidad na kinabibilangan ng rice mill at warehouse sa ilalim ng National Rice Program ng Department of Agriculture ang tinanggap ng Maitom San Pablo Sison Farmers Irrigators Association sa bayan ng Sison, Surigao del Norte.
Ang interbensyon ay bahagi ng Rice Mechanization Program ng administrasyong Marcos.
Ang natanggap na pasilidad ay may kapasidad na 2,000 sako ng palay.
Layunin ng naibigay na pasilidad na palakasin ang industriya ng bigas sa Caraga region at bigyan ng karagdagang kita ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagpoproseso ng mga dekalidad na bigas.
Lubos ang pasasalamat na ipinabatid ng chairperson ng Maitom San Pablo Sison Farmers Irrigators Association na si Herlito Acedera sa DA-Caraga at ipinangakong iingatan ito at sisiguraduhing magagamit ng mga miyembro at iba pang mga magsasaka sa probinsiya.
Sa kasalukuyan, ang asosasyon ay nakakaani ng 56 metriko toneladang bigas kada taon. | ulat ni Jocelyn Morano | RP Butuan
📸: DA Caraga