Pagpapatupad sa 35 pesos wage increase ibinase sa criteria na nakasaad sa RA 6727 at pagbalanse sa kakayahan ng mga negosyante sa bansa ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Tiniyak ng DOLE na kanilang ipinatupad ang iba’t ibang methodology sa pagtukoy ng halaga ng regional wage increase.
Ito ang sagot ng DOLE sa interpallation ni Gabriela Partylist Arlene Brosas ukol sa dagdag na P35 na daily minimum wage.
Sa budget deliberation ng DOLE, sinabi ni Sec. Bienvenido Laguesma, na binabalanse lamang nila ang kapasidad ng employers upang mapreserba ang mga maliliit na negosyo sa bansa ngunit kinikilala nila ang kapangyarihan ng Kongreso na magpatupad ng wage orders.
Aniya, hindi madali ang trabaho ng mga tripartite wage board sa kanilang pagdetermina ng dapat na dagdag na pasahod sa pagsasaalang-alang sa pangangailangan ng mga mangagawa at mga negosyante.| ulat ni Melany V. Reyes