PAF, matagumpay na nakilahok sa large force employment simulation ng pitch black exercise sa Australia

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matagumpay na nakumpleto ng dalawang FA-50 “Fighting Eagle” Fighter ng Philippine Air Force (PAF) ang kanilang partisipasyon sa Large Force Employment (LFE) Simulation phase ng Pitch Black military Exercise sa Darwin, Australia.

Ang dalawang-linggong LFE simulation ay para mahasa ang koordinasyon at interoperability ng mga kalahok, sa sabayang pag-deploy ng malaking pwersa mula sa iba’t ibang Air Force na may iba’t ibang kapabilidad.

Dito’y lumahok ang mga piloto ng PAF sa samut-saring training mission kabilang ang air interdiction, suppression of enemy air defence, at defensive counter-air and offensive counter-air scenario.

Ipinagmalaki ni PAF Contingent Commander Colonel Randy Pascua ang performance ng PAF sa pagsasanay at sinabing naging pagkakataon ito para maipakita ang operational capability ng PAF, at makakuha ng mahalagang eksperyensa mula sa mga dayuhang counterpart.

Ang Pitch Black 2024 Exercise na magtatapos ngayong araw, ang “cornerstone” ng Royal Australian Air Force (RAAF), na nilahukan ng 140 aircraft at mahigit 4,400 tropa mula sa 20 bansa. | ulat ni Leo Sarne

📸: PAF

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us