Nagpapatuloy ang aplikasyon para sa PAG-IBIG Calamity Loan ng mga miyembro nitong apektado ng nagdaang kalamidad gaya ng habagat at bagyong Carina.
Sa tanggapan ng PAG-IBIG sa Brgy. Malanday sa Marikina City, dagsa na mula pa kahapon ang mga aplikante na nais makapag-avail ng naturang loan.
Kwento ng ilang mga aplikante, nais nilang makakuha ng pera para maipagawa ang kanilang bahay, habang may iba naman ay para magkaroon ng dagdag-panggastos.
Nabatid na maaring makahiram ng 80 percent ng kanilang kabuuang PAG-IBIG Regular Savings ang mga kuwalipikadong miyembro nito.
Aabot sa 5.94 percent ang interest rate nito na babayaran sa loob ng 24 o 36 na buwan at ang unang bayad ay isisingil pagkatapos ng dalawang buwan. | ulat ni Jaymark Dagala