Mayroong pangangailangan na ma-review ang Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Tugon ito ni National Maritime Council (NMC) Spokesperson Alexander Lopez, nang hingan ng komento sa unang pahayag ni Defense Secretary Gibo Teodoro na kailangan nang palawakin o baguhin ang MDT, upang mapayagan ang US na tumulong sa Pilipinas sa pagpapahinto sa China sa mga iigal na aktibidad nito sa West Philippine Sea (WPS).
“Sa akin lang, 1951 pa ‘yung Mutual Defense Treaty. And since then, the strategic landscape has changed so much. So, maybe it’s high time now to maybe review,” -Lopez.
Sa ganitong paraan, makasasabay rin ang MDT sa mga bagong security challenge sa mga karagatang sakop ng Pilipinas.
Kaugnay naman sa aksyon ng Pilipinas na manawagan sa international community para sa mas malaking hakbang laban sa China, ayon sa opisyal, bahagi ito ng diplomatic action ng Maynila kontra Beijing.
Gayundin ang pagpapabilang sa traditional at mga bagong allies ng bansa, bilang suporta sa Pilipinas.
“Alam naman natin ano, nobody buys the narrative of China. Nobody buys. And tayo, we have already anchored on UNCLOS and 2016 arbitral ruling. So, that’s our strength,” -Lopez. | ulat ni Racquel Bayan