Iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kailangang maramdaman ng mga Pilipino ang magandang itinatakbo ng ekonomiya gayundin ng ilan pang pagsisikap ng pamahalaan sa gitna na din ng target na mapagaang ang buhay ng mamamayan.
Ito ang binigyang-diin ng Pangulo sa gitna ng iniulat na paglakas ng ekonomiya, pagtaas ng investments sa ilalim ng Build Better More program, pagbaba ng unemployment rate, at iba pa.
Pati poverty rate ay gumanda ayon sa Pangulo gayung bumaba ito sa 15.5 percent na nangangahulugang 10.9% na lamang na mga pamilyang Pilipino ang nananatiling mahirap.
Pagdating ng 2028, target itong mapababa sa siyam na porsiyento.
Pero ang lahat ng magandang development sa larangan ng ekonomiya, proyektong imprastraktura, employment, at paglaban sa kahirapan ay mababalewala lang kung hindi ito mararamdaman ng mamamayan, aniya. | ulat ni Alvin Baltazar