Pagbabakuna sa mga baboy kontra ASF sa Lobo, Batangas, tuloy na — DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda ang Department of Agriculture (DA) para sa isasagawang pagbabakuna sa mga baboy kontra African Swine Fever (ASF) sa Lobo, Batangas bukas.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Arnel De Mesa, ang mga baboy na isinailalim sa testing ay pawang negatibo sa ASF at malulusog kaya tuloy na ang pag-arangkada ng bakunahan.

Isasagawa ang bakunahan bukas sa Lobo ng alas-9 ng umaga.

Bagamat hindi pa tukoy ng DA kung ilang mga baboy ang kailangang isailalim sa pagbabakuna.

Sinabi pa ni Asec. De Mesa, na mismong ang mga Municipal Veterinarian ang magtutungo sa mga farm at mismong magsasagawa ng pagtuturok sa mga baboy.

Kinakailangan din na maging strategic ang pagbabakuna dahil sensitibo sa temperatura ang mga bakuna kontra ASF. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us