Pagbenta ng murang bigas, muling ititinda sa Navotas simula sa Huwebes

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling aarangkada sa Lungsod ng Navotas ang P29 Rice Program ng Department of Agriculture (DA) simula Agosto 29 hanggang 31, 2024.

Sa abiso ng Navotas City Local Government, asahan ang bentahan ng murang bigas na P29 kada kilo ay gagawin maghapon sa Barangay NBBN Covered Court.

Paalala ng LGU, prayoridad na makabili ng murang bigas ang 4Ps beneficiaries, senior citizens, solo parents at persons with disabilities.

Ipapatupad ng LGU ang “First come, First Served” Policy para sa 500 slots kada araw.

Ang P29 Rice Program ay handog ng DA bilang pakikiisa sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para tugunan ang pagtaas ng presyo ng bilihin at ang food security. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us