Plano ng Kamara na magbigay ng pangmatagalang benepisyo para sa lahat ng atletang Pilipino.
Ito ang tinuran ni House Speaker Martin Romualdez kasunod na rin ng makasaysayang 2-time gold medal win ng Pinoy gymnast na si Carlos Yulo sa 2024 Paris Olympics.
Ayon sa lider ng Kamara, hindi lang basta insentibo o reward sa kanilang pagkapanalo ang tinitignan nila ngunit dapat ay pangmatagalang benepisyo gaya na lang ng lifetime pension.
Katunayan, nakatakda aniya silang makipagpulong sa pamunuan ng SSS kung paano mabibigyan ng pensyon ang ating mga manlalaro.
“Well, obviously we are looking at our budget allocations to sports program of the Philippines and we will work among others, not just with the Philippine Olympic Committee, the Philippine Sports Commission, and all the other sport agencies to make sure that our athletes are really supported, and beyond that I think we even look at the benefits that have been accorded like lifetime pensions, so talagang hindi lang one-time lang pero we’re looking, we’ll be meeting with the President of SSS and some proposal on how can we give them lifetime benefits sa pension system,” ani Romualdez.
Suportado rin aniya ng Kamara ang hakbang sa pagpapalakas at pagsuporta sa kabuuan ng palakasan sa bansa lalo na sa ‘grassroots level’.
Maliban aniya sa paglinang sa talento ng mga Pilipinong atleta ay paraan din aniya ito upang isulong ang pagkakaroon ng isang healthy lifestyle na makabubuti sa buong bansa.
“We’ve always felt that in sports we not only develop the youth but we inspire them not to just do well but have a very healthy lifestyle and that is good for the entire nation,” dagdag ng House Speaker. | ulat ni Kathleen Forbes
📷: Hannah McKay/REUTERS