Kumpiyansa si PAGCOR Chair Al Tengco na mababawi rin ng PAGCOR ang mawawala nitong kita dahil sa pagpapasara ng mga POGO sa bansa.
Sa budget briefing sa Kamara sinabi ni Tengco na nasa 7 hanggang 7.2 billion pesos ang tinatayang mawawalang kita sa pagpapahinto ng internet gaming licensees.
Ngunit dahil may mga magbubukas naman aniya na integrated resort ay mababawi rin nila ang mawawalang gaming revenue.
Inihalimbawa nito ang kabubukas lang na integrated resort and casino sa Quezon City.
Oras aniya na magin stable na ang operasyon nito, pagsapit ng 2025 ay may projected itong kita na katumbas na ng kalahati ng revenue loss sa pagpapasarang mga POGO.
Sa susunod na taon isa pang integrated resort ang bubuksam sa Entertainment City, sa 2026 naman aniya ay posibleng sa Cebu o Boracy mag bukas at sa Clark naman sa 2027. | ulat ni Kathleen Forbes