May mga kinakausap ngayong software company ang PAGCOR para mahigpitan ang online gambling platforms mula sa access ng mga kabataan.
Sa interpelasyon ni Parañaque Second District Representative Gus Tambunting, naususa nito ng PAGCOR kung ano ang hakbang na kanilang ginagawa para hindi makapasok ang mga menor de edad sa online gambling.
“Ang gusto natin ay protektahan ang kabataan,” sabi ni Tambunting.
Paglalahad ni PAGCOR Chair Al Tengco maliban sa Know Your Customer o KYC may mga software comany na rin aniya na kinakausap sila na mayroong kakayanan para i-regulate ang gaming platforms
Isa rito ang pagkakaroon ng self exclusion o automatic exclusion ng mga nalulong na sa gambling upang hindi na makapasok pa sa naturang gambling platform.
Mayroon ding software na otomatikong made-detect at pagbabawalan ang isang manlalaro na laging natatalo. | ulat ni Kathleen Forbes