Pagdami ng Chinese Maritime Militia Vessels sa Escoda at Iroquois Reefs sa West Philippine Sea, ikinabahala ng Philippine Navy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangangambahang magdulot ng “miscalculations” ang pagdami ng Chinese Militia Vessels sa Escoda at Iroquois Reefs sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang inihayag ng Philippine Navy matapos maitala ang tripleng bilang ng mga barko ng China sa mga bahurang nakapaloob sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa sa nasabing karagatan.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, nakababahala ang biglaang pagdami ng mga barko ng China sa mga nasabing bahura.

Kasunod naman ito ng nakitang sira-sirang corals dulot ng pinaghihinalaang massive harvesting na ginawa rito.

Batay sa inilabas na datos ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sumipa sa 40 ang bilang ng Chinese Maritime Militia Vessels sa Escoda Shoal mula sa dating 12, habang nasa 17 naman ang namataan sa Iroquois Reef mula sa dating dalawa.

Sa kabuuan, pumalo naman sa 163 ang bilang ng mga barko ng China kabilang na ang mga barko ng Peoples Liberation Army Navy, China Coast Guard, at Chinese Militia Vessels mula sa dating 129. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us