Paggunita sa Ninoy Aquino Day, inilipat ng Malacañang sa August 23, 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang long weekend ang maaasahan ng publiko sa susunod na linggo matapos ilipat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggunita sa Ninoy Aquino Day sa Biyernes, Agosto 23, kasabay ng pagdedeklara rito bilang special non-working day sa buong bansa.

Sa pamamagitan ito ng Proclamation No. 665 ni Pangulong Marcos, na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may petsang Agosto 15.

Sa bisa ng Republic Act No. 9256, idineklara ang Agosto 21 kada taon bilang Ninoy Aquino Day..

Samantala, kung matatandaan, wala ring pasok sa susunod na Lunes, Agosto 26, para sa selebrasyon ng National Heroes Day.

“In order to provide for a longer weekend thereby promoting domestic tourism, the celebration of Ninoy Aquino Day may be moved from 21 August 2024 (Wednesday) to 23 August 2024 (Friday), provided that the historical significance of Ninoy Aquino Day is maintained,” — Pangulong Marcos.

Kaugnay nito, inatasan ng Pangulo ang DOLE na maglabas ng kinauukulang circular para sa implementasyon ng proklamasyon sa pribadong sektor. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us