Paghahain ng petisyon sa SC sa ginawang pag-divert ng unused gov’t subsidy ng PhilHealth, nirerespeto ni Finance Sec. Recto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginagalang ni Finance Secretary Ralph Recto ang inihaing petisyon sa Korte Suprema kaugnay sa legality ng paglilipat ng PhilHealth unused government subsidy.

Sa inilabas na statement ni Recto, sinabi niya na handa siyang sagutin ang legalidad sa inilabas na Department Circular 003-2023 upang ipatupad ang direct mandatory Congressional Order sa ilalim ng General Appropriations Act of 2024.

Diin ni Recto, ipinatupad nila ang naturang hakbang na naaayon sa batas at may pahintulot ng Governance Commission of GOCCs (GCG), Office of the Government Corporate Counsel (OGCC), at Commission on Audit (COA).

Gaya ng kanyang naging pahayag sa Senado, naniniwala siya na kinakailangan ng public health ang suporta ng gobyerno.

Aniya, sa kanyang tatlong dekadang pagliligkod sa bayan, hindi kailanman niya inirekomenda o kumontra na bawasan ang kontribusyon ng PhilHealth members.

Muli ring iginiit ng kalihim na anuman ang hakbang ng gobyerno sa pagkukunan ng pondo para sa mga programa at proyekto ay hindi nakokompromiso sa pagtugon sa pangangailangan ng publiko — kabilang ang kalusugan.

Dagdag pa ng DOF chief, gaya ng sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na patuloy na palalakasin ng PhilHealth ang benepisyo nito upang paghusayin ang medical aid package para sa mas pinalawak na hanay ng mga sakit tulad ng pneumonia, hypertension, at cancer. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us