Hindi pa tiyak kung makakaharap sa pagdinig ng Senado bukas si Cassandra Li Ong, ang isa sa mga iniuugnay sa Lucky South 99 na POGO hub na sinalakay sa Porac Pampanga.
Ayon kay House Quad Committee lead Chair Robert Ace Barbers kailangan muna kasi magkasundo ang quad comm kung pahaharapin ba si Ong sa Senado ng pisikal o via online.
“Ang problema kasi, kailangan muna mag-conven ng quadcom to get the approval of the members of thequadcom as to whether we will allow Cassandra Li. Ong to be present at the Senate hearing tomorrow on Tuesday.” paliwanag ni Barbers
Paalala niya na dahil Kamara ang nagpa contempt kay Ong at nasa kanila rin ang kustodoya nito ay kailangan na ang komite rin ang makapag desisyon.
Hangga’r maaari aniya sana, sa Kamara muna una humarap si Ong.
Gayunman, hanggang nitong hapon ay wala pa naman aniya silang natatanggap na request mula sa Senado para maimbitahan si Ong sa kanilang hearing bukas.
“As I speak now, wala pang imprimatur na kung pwedeng payagan na siya ay dumalo doon sa hearing ng Senado bukas. Kasi siya ang nandito na-detained dito at may custody diyan ay ang House of Representatives. Again, in my personal opinion sakin I don’t mind but again I have to follow what the rules say at dapat siguro tanungin muna natin yung ating mga miyembro ng quad-com whether or not papayag sila na padaluhin sa Senate committee hearing itong si Miss Cassandra Li Ong,” dagdag pa niya.
Giit ni Barbers na mahalaga si Ong sa kanilang imbestigasyon dahil siya ang koneksyon sa Lucky South 99 at iba pang iligal na POGO hubs dahil sa kaniyang partisipasyon bilang liaison ng mga ito sa PAGCOR.
“We also need to obtain information from her about the owners, lawyers, and incorporators involved in these operations, because it’s clear that there are numerous illegal activities going on. The first question we need to ask her is whether she was aware of the scam hubs, torture, prostitution, and other illicit activities. Cassandra Li Ong is a very vital resource person in the quad-committee’s investigation into illegal POGOs,” ani Barbers.
Sa Miyerkules August 28 nakatakdang ipagpatuloy ng QuadComm ang kanilang pagdinig.| ulat ni Kathleen Jean Forbes