Pagkapanalo ni Carlos Yulo sa Olympics, simbulo ng pagkakaisa ng bansa — NSC at NTF ELCAC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pagbati ang National Security Council (NSC) at ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pagkapanalo ng dalawang ginto ni Carlos Yulo sa Paris Olympics.

Sa inilabas na pahayag ng NSC at NTF-ELCAC, ang pagkapanalo ni Yulo ay magsisilbing simbulo ng pagkakaisa, pagsisikap at ang hindi matatawarang pag-abot sa pangarap ng mga Pilipino.

Isa rin anila itong patotoo ng hindi matitinag na katatagan, determinasyon, at mag-aangat sa Pilipinas sa pandaigdigang pedestal.

Magsisilbi rin anilang inspirasyon ng bawat Pilipino at maituturing na napakahalagang bahagi ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino ang tagumpay ni Yulo.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us