Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mabilis na pagsasa-ayos ng mga nasirang pasilidad sa irigasyon dahil sa mga nagdaang kalamidad.
Dahil na din ito sabi ng Pangulo sa re-fleeting program ng National Irrigation Administration (NIA) na tatakbo hanggang sa susunod pang taon.
Sa ginawang pangunguna ng Pangulo sa turnover ceremony ng ₱782-million na halaga ng heavy equipment para sa NIA sa Mexico, Pampanga, sinabi nitong mahalaga ang nasabing proyekto lalo’t marami pang mga lugar sa bansa ang hindi pa nakakarekober sa nagdaang bagyong Carina at Butchoy.
Bukod dito dagdag ng Chief Executive ay malaking bagay din ang programa sa pagtatayo pa ng maraming irrigation facilities.
Bahagi ng re-fleeting program ay ang pagkuha ng NIA ng mga heavy equipment gaya ng excavators, dump trucks, tractors na ipapamahagi sa lahat ng NIA Regional Offices sa buong bansa. | ulat ni Alvin Baltazar