Pagkumpleto sa mga Barangay Development Project, tiniyak ng NTF-ELCAC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. ang commitment ng Task Force na makipagtulungan sa mga Local Government Unit (LGU) para makumpleto ang lahat ng Barangay Development Projects (BDP).

Ang pahayag ay ginawa ni Usec. Torres kaugnay ng pagkaantala ng ilang 2024 projects na pinondohan sa ilalim ng Local Government Support Fund-Support to Barangay Development Program (LGSF-SBDP).

Paliwanag ni Usec. Torres, ang pagkaantala ng mga proyekto ay dahil sa “timing” ng paglalabas ng pondo ng Department of Budget and Management (DBM) at panahong kailangan para sa “due diligence” na isinasagawa ng mga LGU.

Sa ngayon, mayroong 885 proyekto sa ilalim ng SBDP sa 864 barangay, kung saan anim pa lang ang nasimulan, at 879 ang nasa iba’t ibang antas ng pagpapatupad.

Sa kabila nito, siniguro ni Usec. Torres na makukumpleto ang lahat ng proyekto alinsunod sa plano.  |  ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us