Positibo ang naging epekto sa local stocks at peso exchange rate sa inilibas ng 6.3% Gross Domestic Product (GDP) growth.
Nag-improve ang shares sa Philippine Stock Exchange at kabilang sa “winners” ang shares sa services sector, industrial, at holding firms.
Ngunit ang property, financials, mining, at oil shares ay nasa “losers.”
Ayon kay Philstocks Financial Research Officer Mikhail Plopenio, ang matibay na Gross Domestic Product (GDP) growth ng second quarter ng 2024 ay nagpalakas ng kumpiyansa ng investors.
Samantala, lumakas naman ang Philippine peso kung saan nagsara ito sa ₱57.32 kada US dollars mula sa dating ₱57.52 kontra dolyar. | ulat ni Melany Valdoz Reyes