Paglalabas ng pondo para sa ‘WiFi for All’ Program, pinuri ni Sen. Tolentino

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang pahayag ng Department of Budget Management (DBM) tungkol sa paglalabas ng ₱3.8-billion na pondo para sa pagpapatupad ng libreng ‘WiFi Program’ sa buong Pilipinas.

Kasunod nito ay hinikayat ni Tolentino ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na agad simulan ang pagtatayo ng 13,462 access point sites para mas mapalawak ang digital connectivity sa bansa.

Ayon sa majority leader, pangunahing makikinabang sa libreng internet connectivity ang mga malalayo at liblib na komunidad dahil layunin ng programa na unahin ang geographically isolated and disadvantaged areas ng Pilipinas.

Dagdag pa ng senador, sa ilalim ng libreng WiFi Program ng administrasyong Marcos, magkakaroon ng access ang mahihirap sa iba’t ibang communication apps, gaya ng Messenger, Viber, at libreng tawag.

Makakatulong rin ito sa pagpapabuti ng kanilang buhay at para mas madali nilang makaka-ugnayan ang kanilang mga kaanak at kaibigan. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us