Ilalabas na sa publiko ng Department of Budget and Management ang inaprubahan Implementing Rules and Regulations para sa dagdag sweldo sang mga government employees.
Ayon kay DBM Sec. Amenah Pangandaman, simula bukas ay ipapalathala na nila sa mga pahayagan at official gazette ang IRR ng dagdag na sweldo ng mga manggagawa ng pamahalaan.
Pagkatapos ng publication, kailangan hintayin ang 15 araw na itinatakda ng batas para ito ay maipatupad.
Pero nilinaw ni Pangandaman, tanging mga permanent employees lamang at kasama sa dagdag sweldo at hindi kasama ang mga contract of service, job orders, mga nasa government owned and controlled corporations. | ulat ni Michael Rogas