Magpapadala na ng karagdagang suplay ng dugo ang Philippine Red Cross sa Baguio City.
Kasunod ito ng ulat na lumiliit na ang suplay ng dugo sa mga ospital sa lungsod.
Kasabay din nito ang panawagan ng Red Cross sa publiko na mag-donate ng dugo.
Ayon kay PRC Chairman at CEO Richard Gordon, unang magpapadala ng 20 units ng dugo ang PRC National Headquarters sa pamamagitan ng PRC Baguio Chapter at karagdagan pa sa susunod na mga araw kung kinakailangan.
May kapasidad na 600 blood units ang Blood Bank sa Baguio.
Nakikipag-ugnayan na rin ang PRC Baguio Chapter sa lokal na pamahalaan upang tumulong sa mga donasyon ng dugo.| ulat ni Rey Ferrer