Mariing kinondena ni Speaker Martin Romualdez ang ginawang mapanganib na maniobra ng dalawang Chinese fighter jets nang magpakawala ito ng flares sa dinaraanan ng eroplano ng Philippine Air Force nagsasagawa ng routine patrol sa Bajo de Masinloc noong Huwebes.
Aniya hindi mareresolba ng matiwasay ang hindi pagkakaintindihan ng dalawang bansa kung idadaan ito sa agresyon at dahas.
“This latest aggressive action of China does not promote peace and stability in the West Philippine Sea and in the region. It does not speak well of a country trying to be a world power and leader,” sabi ni Speaker Romualdez.
Muli ring iginiit ng lider ng Kamara kaisa sila sa pag-suporta ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga tauhan ng air force at nagpasalamat sa kanilang katapangan na protektahan ang ating teritoryo.
“We support our personnel and we thank them for their courage, bravery and patriotism for protecting our national territory and sovereignty,” saad ng House Speaker.
Pinalagan din ni Romualdez ang pahayag ng China na dapat tumigil na ang Pilipinas sa panghihimasok dahil mayroon aniya silang “indisputable sovereignty” sa Bajo de Masinloc at kalapit na katubigan.
Aniya, Speaker Romualdez walang legal na basehan ang pahayag na ito ng Beijing.
“They should not insist on this baseless claim. It is against the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), to which both the Philippines and China are signatories…Bajo de Masinloc is 120 nautical miles from Luzon and is clearly within our EEZ, while it is 594 nautical miles from China’s Hainan Island,” dagdag niya.| ulat ni Kathleen Forbes