Pagpapalakas ng presensya ng LTO sa iba’t ibang rehiyon, isinusulong ng LTO Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binisita ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza II ang LTO Regional Office sa Pagadian City ngayong araw.

Ang hakbang na ito ni Mendoza ay bahagi ng kanyang patuloy na pagsisikap na palakasin ang presensya ng LTO sa rehiyon.

Binigyang-diin nito ang kritikal na papel ng pagtutulungan sa pagkamit ng kanilang taunang targets.

Inanunsiyo din niya ang budget allocation para sa rehiyon at ang pangako ng administrasyon sa pagpapahusay ng mga serbisyo nito.

Iba’t ibang concerns na idinulog ng distrito at licensing officers ang tinugunan din ni Mendoza.

Sinamantala din niya ang pagkakataon na makilala ang mga empleyado ng Pagadian City District Office, ang pinakamalaking distrito sa rehiyon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us